Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 12 sa 54 • Tagalog


فَقَضَاهُنَّ سَبْعَ سَمَاوَاتٍ فِي يَوْمَيْنِ وَأَوْحَىٰ فِي كُلِّ سَمَاءٍ أَمْرَهَا ۚ وَزَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِمَصَابِيحَ وَحِفْظًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ 12
Pagsasalin:
Saka tumapos Siya sa mga ito bilang pitong langit sa dalawang araw at nagkasi Siya sa bawat langit ng utos dito. Gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at [nagtalaga sa mga ito] bilang pangangalaga [laban sa mga demonyo]. Iyon ay ang pagtatakda [ni Allāh], ang Makapangyarihan, ang Maalam. Fuṣṣilat 41:12
Tafsīr:
Saka lumubos si Allāh sa paglikha ng mga langit sa dalawang araw: ang araw ng Huwebes at ang araw ng Biyernes. Sa dalawang [araw na] ito, nalubos ang paglikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Kumasi si Allāh sa bawat langit ng itinatakda Niya rito at ipinag-uutos Niya rito na pagtalima at pagsamba. Ginayakan Niya ang langit na pinakamababa ng mga bituin at pinangalagaan Niya ang langit sa pamamagitan ng mga ito laban sa panakaw na pakikinig ng mga demonyo. Ang nabanggit na iyon sa kabuuan niyon ay ang pagtatakda [Niya], ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa mga nilikha Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 11 Susunod Fuṣṣilat • Talata 13