Huwag kayong maghalo sa katotohanan ng kasinungalingan ni magtago kayo ng katotohanan [tungkol sa pagdating ni Propeta Muḥammad] samantalang kayo ay nakaaalam [nito]. Al-Baqarah 2:42 ⧉
Tafsīr:
Huwag kayong maglahok sa katotohanan, na pinababa Ko sa mga sugo Ko, ng anumang ginawa-gawa ninyo na mga kasinungalingan at huwag kayong magtago sa katotohanan na nasaad sa mga kasulatan ninyo na katangian ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kabila ng pagkakaalam ninyo sa kanya at pagkatiyak ninyo sa kanya.