Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang pamamagitan, ni kukuha mula sa kanya ng isang panumbas, ni sila ay iaadya. (48)
Tafsīr
Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay ng isang pananggalang sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-utos at pagtigil sa mga sinasaway. Sa Araw na iyon ay hindi makapagdudulot ng anuman ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa. Hindi tatanggap doon ng pamamagitan ng isa pa sa pagtulak sa isang pinsala o paghatak ng isang pakinabang malibang ayon sa isang pahintulot mula kay Allāh at hindi kukunan ng isang pantubos kahit pa man gamundong ginto. Walang tagapag-adya para sa kanila sa Araw na iyon. Kaya kapag hindi magpapakinabang ang isang tagapamagitan ni ang isang pantubos ni ang isang tagapag-adya, saan ang matatakasan?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: