Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong nagligtas Kami sa inyo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan. (49)
Tafsīr
Banggitin ninyo, O mga Anak ni Israel, nang sumagip Kami sa inyo mula sa mga tagasunod ni Paraon na nagpapalasap noon sa inyo ng mga uri ng pagdurusa yayamang pumapatay sila ng mga lalaking anak ninyo sa pamamagitan ng pagkatay upang wala sa inyong matira at nag-iiwan sa mga babaing anak ninyo na manatiling mga buhay upang ang mga ito ay maging mga maybahay upang maglingkod sa kanila, bilang pagpapalabis sa panghahamak sa inyo at panlalait sa inyo. Sa pagliligtas sa inyo mula sa karahasan ni Paraon at ng mga tagasunod niya ay may isang pagsusulit na mabigat mula sa Panginoon ninyo nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: