Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Naglilim Kami sa inyo ng mga ulap at nagpababa Kami sa inyo ng manna at mga pugo, [na nagsasabi]: “Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo.” Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin, subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalalabag sa katarungan. (57)
Tafsīr
Kabilang sa mga biyaya Namin sa inyo na nagsugo Kami ng mga ulap na maglililim sa inyo laban sa init ng araw noong nagpagala-gala kayo sa lupain. Nagpababa Kami sa inyo ng mga biyaya Namin na isang inuming matamis tulad ng pulut-pukyutan at maliit na ibong kaaya-aya ang karne na nakawawangis ng pugo. Nagsabi Kami sa inyo: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo." Hindi sila nakabawas sa Amin ng anumang dahil sa pagkakaila nila sa mga biyayang ito at kawalang-pasasalamat sa mga ito, subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagbawas ng bahagi sa mga sarili mula sa gantimpala at sa paglalantad sa mga sarili sa kaparusahan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: