Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 59

فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَنْزَلْنَا عَلَى الَّذِينَ ظَلَمُوا رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ 59 ٥٩

Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagpababa Kami sa mga lumabag sa katarungan ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay nagpapakasuwail. (59)

Tafsīr
Ngunit walang nangyari sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila kundi nagpalit sila ng gawain at pumilipit sila ng sabi, kaya pumasok sila na gumagapang sa mga likod nila. Nagsabi sila: "Butil sa isang hiblang buhok," habang mga nanunuya sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya ang ganti ay na nagpababa si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila ng isang parusa mula sa langit dahilan sa paglabas nila sa hangganan ng Batas ng Islām at paglabag nila sa utos.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba