Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 62)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 62

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالنَّصَارَىٰ وَالصَّابِئِينَ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 62 ٦٢

Tunay na ang mga sumampalataya [bago ni Propeta Muḥammad], ang mga nagpaka-Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga Sabeano – ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos – ay ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. (62)

Tafsīr
Tunay na ang sinumang sumampalataya kabilang sa Kalipunang ito, at gayon din ang sinumang sumampalataya kabilang sa mga kalipunang nagdaan bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kabilang sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga Sabeano na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta – ang sinumang nagkatotoo sa kanila ang pananampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay – ay ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay at hindi sila malulungkot sa anumang nakaalpas sa kanila sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba