Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “Tunay na si Allāh ay nag-utos sa inyo na magkatay kayo ng isang baka.” Nagsabi sila: “Gumagawa ka ba sa amin ng isang pagkutya?” Nagsabi siya: “Nagpapakupkop ako kay Allāh na ako ay maging kabilang sa mga mangmang.” (67)
Tafsīr
Banggitin ninyo: Kabilang sa ulat ng mga nauna sa inyo ang nangyari sa pagitan nila at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kung saan nagpabatid siya sa kanila ng utos ni Allāh para sa kanila na magkatay sila ng isa sa mga baka. Sa halip na magdali-dali, nagsabi sila habang mga nagpapakahirap: "Gumagawa ka ba sa amin bilang tampulan ng pangungutya?" Kaya nagsabi si Moises: "Nagpapakupkop ako kay Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagsisinungaling laban kay Allāh at nangungutya sa mga tao."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: