Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi siya: “Tunay na Siya ay nagsasabing tunay na ito ay isang baka, na hindi maamo na nagbubungkal ng lupa at hindi nagpapatubig ng taniman, na binusilak na walang batik dito.” Nagsabi sila: “Ngayon ay naghatid ka ng katotohanan.” Kaya kinatay nila ito at hindi nila halos nagawa. (71)
Tafsīr
Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ang katangian ng bakang ito ay na ito ay hindi pinaamo sa pagtatrabaho sa pagbubungkal, ni sa pagpapatubig ng lupa. Ito ay ligtas sa mga kapintasan. Wala ritong palatandaan mula sa ibang kulay na iba pa sa kulay nitong dilaw." Sa sandaling iyon ay nagsabi sila: "Ngayon ay naghatid ka ng paglalarawang tumpak na tumutukoy sa baka nang lubusan." Kinatay nila ito matapos na muntik silang hindi nakakatay nito dahilan sa pakikipagtalo at pang-iinis.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: