Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo matapos na niyon, kaya ang mga ito ay gaya ng mga bato o higit na matindi sa katigasan. Tunay na mayroon sa mga bato na talagang ang bumubulwak mula sa mga ito ay ang mga ilog, tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula sa mga ito ang tubig, at tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang lumalagpak dahil sa takot kay Allāh. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo. (74)
Tafsīr
Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo nang matapos nitong mga masidhing pangaral at mga nakasisilaw na himala hanggang sa naging tulad ng mga bato, bagkus higit na matindi sa katigasan kaysa sa mga ito sapagkat ang mga ito ay hindi nagpapalit ng kalagayan ng mga ito magpakailanman. Tungkol naman sa mga bato, nagbabago at nagpapalit ang mga ito. Tunay na mayroon sa mga bato na bumubulwak mula rito ang mga ilog. Tunay na mayroon sa mga ito na talagang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula rito ang tubig bilang mga bukal na dumadaloy sa lupa, na nakikinabang sa mga ito ang mga tao at ang mga hayop. Mayroon sa mga ito na bumabagsak mula sa matataas na bahagi ng mga bundok dahil sa takot kay Allāh at pagkasindak. Hindi ganoon ang mga puso ninyo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakaaalam niyon. Gaganti Siya sa inyo roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: