Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 76)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 76

وَإِذَا لَقُوا الَّذِينَ آمَنُوا قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَا بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ قَالُوا أَتُحَدِّثُونَهُمْ بِمَا فَتَحَ اللَّهُ عَلَيْكُمْ لِيُحَاجُّوكُمْ بِهِ عِنْدَ رَبِّكُمْ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 76 ٧٦

Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami,” at kapag nagsarilinan ang iba sa kanila sa iba pa ay nagsasabi sila: “Kumakausap ba kayo sa kanila ng hinggil sa inihayag ni Allāh sa inyo [hinggil sa pagdating ng Propeta] upang mangatwiran sila sa inyo hinggil dito sa piling ng Panginoon ninyo? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?” (76)

Tafsīr
Kabilang sa mga pagsasalungatan ng mga Hudyo at katusuhan nila ay na sila – kapag nakipagtagpo ang ilan sa kanila sa mga mananampalataya – ay umaamin sa mga ito ng katapatan ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ng katumpakan ng mensahe niya. Ito ang sinasaksihan para sa kanya ng Torah. Subalit kapag nagsasarilinan ang mga Hudyo sa isa't isa sa kanila, nagsisisihan sila sa gitna nila dahilan sa mga pag-aming ito dahil ang mga Muslim ay naglalahad sa kanila dahil sa mga ito ng katwiran kaugnay sa namutawi sa ganang kanila na pag-amin sa katapatan ng pagkapropeta.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba