Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 88)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 88

وَقَالُوا قُلُوبُنَا غُلْفٌ ۚ بَلْ لَعَنَهُمُ اللَّهُ بِكُفْرِهِمْ فَقَلِيلًا مَا يُؤْمِنُونَ 88 ٨٨

Nagsabi sila: “Ang mga puso namin ay mga nakabalot.” Bagkus isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang- pananampalataya nila kaya kakaunti ang sinasampalatayanan nila. (88)

Tafsīr
Talaga ngang ang katwiran ng mga Hudyo noon sa kawalan ng pagsunod kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang sabi nila: "Tunay na ang mga puso namin ay binalutan, na walang nakararating sa mga ito na anuman mula sa sinasabi mo at hindi nakaiintindi niyon." Ang kalagayan ay hindi gaya ng hinaka-haka nila, bagkus nagtaboy sa kanila si Allāh mula sa awa Niya dahil sa kawalang-pananampalataya nila sapagkat hindi sila sumasampalataya maliban sa kakaunti mula sa pinababa ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba