Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Noong may dumating sa kanila na isang Aklat mula sa ganang kay Allāh, na tagapagpatotoo para sa taglay nila [na mga kasulatan] – samantalang sila dati bago pa niyan ay humihiling ng pagwawagi laban sa mga tumangging sumampalataya – at noong dumating sa kanila ang nakilala nila ay tumanggi silang sumampalataya rito. Kaya ang sumpa ni Allāh ay sa mga tagatangging sumampalataya. (89)
Tafsīr
Noong dumating sa kanila ang Marangal na Qur'ān mula sa ganang kay Allāh, na sumasang-ayon sa nasa Torah at Ebanghelyo sa mga batayang pangkalahatang tumpak – samantalang sila dati bago pa ng pagbaba nito ay nagsasabi: "Magpapaadya tayo sa laban sa mga tagapagtambal at magpapawagi para sa atin kapag may ipinadala na isang propeta para sumampalataya tayo sa kanya at sumunod tayo sa kanya" – ngunit noong dumating sa kanila ang Qur'ān at si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ayon sa katangiang nakilala nila at katotohanang nalaman nila ay tumanggi silang sumampalataya sa kanya. Kaya ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: