Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 92)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 92

وَلَقَدْ جَاءَكُمْ مُوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ اتَّخَذْتُمُ الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَنْتُمْ ظَالِمُونَ 92 ٩٢

Talaga ngang naghatid sa inyo si Moises ng mga malinaw na patunay. Pagkatapos gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan. (92)

Tafsīr
Talaga ngang naghatid sa inyo ang sugo ninyong si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya. Pagkatapos, matapos niyon ay gumawa kayo sa guya bilang diyos na sinasamba ninyo matapos ng pag-alis ni Moises para sa pakikipagtipan sa Panginoon niya habang kayo ay tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh samantalang Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya na walang iba pa sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba