Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nagsasabi]: “Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo [na mga kasulatan] nang may lakas at makinig kayo.” Nagsabi sila: “Nakarinig kami at sumuway kami.” Pinahumaling sila sa mga puso nila ng [pagsamba sa] guya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo: “Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalataya ninyo, kung kayo ay mga mananampalataya.” (93)
Tafsīr
Banggitin ninyo noong tumanggap Kami sa inyo ng isang tipang binigyang-diin sa pamamagitan ng pagsunod kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng pagtanggap sa inihatid niya mula sa ganang kay Allāh at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok bilang pagpapangamba sa inyo, at nagsabi kami sa inyo: "Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap at makinig kayo nang pakikinig ng pagtanggap at pagpapaakay at kung hindi ay ibabagsak Namin ang bundok sa inyo. Nagsabi kayo: "Nakarinig kami sa pamamagitan ng mga tainga namin at sumuway kami sa pamamagitan ng mga gawa namin." Nanaig ang pagsamba sa guya sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo, O Propeta: "Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalatayang ito na kawalang-pananampalataya kay Allāh kung kayo ay mga mánanampalataya dahil ang pananampalatayang totoo ay hindi mangyayaring may kasama itong kawalang-pananampalataya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: