Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Ang sinumang naging isang kaaway para kay [Anghel] Gabriel, tunay na siya ay nagbaba nitong [Qur’ān] sa puso mo [O Propeta Muḥammad] ayon sa pahintulot ni Allāh, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, bilang patnubay, at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya.” (97)
Tafsīr
Sabihin mo, O Propeta, sa sinumang nagsabi kabilang sa mga Hudyo: "Tunay na si Gabriel ay kaaway namin kabilang sa mga anghel." Ang sinumang naging isang nangangaway para kay Gabriel, tunay na siya ay nagbaba sa Qur'ān sa puso mo ayon sa isang pahintulot mula kay Allāh, bilang tagapagpatotoo para sa nauna na mga kasulatang makadiyos gaya ng Torah at Ebanghelyo, bilang tagagabay sa kabutihan, at bilang tagapagbalita ng nakagagalak para sa mga mánanampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh sa kanila na kaginhawahan. Ang sinumang naging isang nangangaway sa sinumang ito ang katangian niyon at ang gawain niyon, siya ay kabilang sa mga naliligaw.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: