Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos [na gantimpala sa Kabilang-buhay] ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili. (131)
Tafsīr
Huwag ka ngang tumingin sa ginawa Namin para sa mga uri ng mga tagapagpasinungaling na ito bilang pagtatamasang tinatamasa nila mula sa karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumubok Kami sa kanila. Tunay na ang anumang ginawa para sa kanila mula roon ay naglalaho samantalang ang gantimpala ng Panginoon mo na ipinangako Niya sa iyo upang malugod ka ay higit na mabuti kaysa sa ipinatamasa Niya sa kanila sa Mundo na mga pagtatamasang naglalaho at higit na nagtatagal dahil ito ay hindi napuputol.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: