Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 131 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 131 sa 135 • Tagalog


وَلَا تَمُدَّنَّ عَيْنَيْكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعْنَا بِهِ أَزْوَاجًا مِنْهُمْ زَهْرَةَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا لِنَفْتِنَهُمْ فِيهِ ۚ وَرِزْقُ رَبِّكَ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ 131
Pagsasalin:
Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos [na gantimpala sa Kabilang-buhay] ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili. Ṭā Hā 20:131
Tafsīr:
Huwag ka ngang tumingin sa ginawa Namin para sa mga uri ng mga tagapagpasinungaling na ito bilang pagtatamasang tinatamasa nila mula sa karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumubok Kami sa kanila. Tunay na ang anumang ginawa para sa kanila mula roon ay naglalaho samantalang ang gantimpala ng Panginoon mo na ipinangako Niya sa iyo upang malugod ka ay higit na mabuti kaysa sa ipinatamasa Niya sa kanila sa Mundo na mga pagtatamasang naglalaho at higit na nagtatagal dahil ito ay hindi napuputol.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 130 Susunod Ṭā Hā • Talata 132