Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 130 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 130 sa 135 • Tagalog


فَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا ۖ وَمِنْ آنَاءِ اللَّيْلِ فَسَبِّحْ وَأَطْرَافَ النَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرْضَىٰ 130
Pagsasalin:
Kaya magtiis ka sa anumang sinasabi nila at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito; at mula sa mga bahagi ng gabi ay magluwalhati ka at sa mga dulo ng maghapon, nang sa gayon ikaw ay malulugod. Ṭā Hā 20:130
Tafsīr:
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa anumang sinasabi ng mga tagapagpasinungaling sa iyo na mga paglalarawang bulaan. Magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo sa dasal sa madaling-araw bago ng pagsikat ng araw, sa dasal sa hapon bago ng paglubog nito, sa dasal sa takip-silim at gabi mula sa mga oras ng gabi, sa dasal sa tanghali sa sandali ng paglihis [ng araw sa katanghaliang-tapat] matapos ng pagwawakas ng unang bahagi ng maghapon, at sa dasal sa takipsilim matapos ng pagwawakas ng ikalawang bahagi ng maghapon, sa pag-asang magtamo ka sa ganang kay Allāh ng gantimpalang kalulugdan mo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 129 Susunod Ṭā Hā • Talata 131