Surah Ṭā Hā (Ta-Ha — طه) (Talata 133)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




20 Ṭā Hā(طه), Talata 133

وَقَالُوا لَوْلَا يَأْتِينَا بِآيَةٍ مِنْ رَبِّهِ ۚ أَوَلَمْ تَأْتِهِمْ بَيِّنَةُ مَا فِي الصُّحُفِ الْأُولَىٰ 133 ١٣٣

Nagsabi sila: “Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba pumunta sa kanila ang malinaw na patunay ng nasa mga unang kalatas?” (133)

Tafsīr
Nagsabi itong mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Bakit kaya hindi nagdala sa atin si Muḥammad ng isang palatandaan mula sa Panginoon niya, na nagpapatunay sa katapatan niya at na siya ay isang sugo? Hindi ba dumating sa mga tagapagpasinungaling na ito ang Qur'ān na siyang pagpapatotoo sa mga kasulatang makalangit bago pa nito?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba