Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 133 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 133 sa 135 • Tagalog


وَقَالُوا لَوْلَا يَأْتِينَا بِآيَةٍ مِنْ رَبِّهِ ۚ أَوَلَمْ تَأْتِهِمْ بَيِّنَةُ مَا فِي الصُّحُفِ الْأُولَىٰ 133
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba pumunta sa kanila ang malinaw na patunay ng nasa mga unang kalatas?” Ṭā Hā 20:133
Tafsīr:
Nagsabi itong mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Bakit kaya hindi nagdala sa atin si Muḥammad ng isang palatandaan mula sa Panginoon niya, na nagpapatunay sa katapatan niya at na siya ay isang sugo? Hindi ba dumating sa mga tagapagpasinungaling na ito ang Qur'ān na siyang pagpapatotoo sa mga kasulatang makalangit bago pa nito?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 132 Susunod Ṭā Hā • Talata 134