Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 134 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 134 sa 135 • Tagalog


وَلَوْ أَنَّا أَهْلَكْنَاهُمْ بِعَذَابٍ مِنْ قَبْلِهِ لَقَالُوا رَبَّنَا لَوْلَا أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ آيَاتِكَ مِنْ قَبْلِ أَنْ نَذِلَّ وَنَخْزَىٰ 134
Pagsasalin:
Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa bago pa niya ay talagang magsasabi sila: “Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa maaba kami at mapahiya kami?” Ṭā Hā 20:134
Tafsīr:
Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa mga tagapagpasinungaling na ito sa Propeta – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya – sa pamamagitan ng pagpapababa ng isang pagdurusa sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamatigas nila bago Kami magsugo sa kanila ng isang sugo at [bago] Kami magpababa sa kanila ng isang kasulatan ay talagang magsasabi sila sa Araw ng Pagbangon habang mga nagdadahilan sa kawalang-pananampalataya nila: "Bakit kaya hindi Ka nagsugo, Panginoon namin, sa amin ng isang sugo sa Mundo para sumampalataya kami sa kanya at sumunod kami sa inihatid niya na mga tanda Mo bago pa dumapo sa amin ang pagkahamak at ang pagkapahiya dahilan sa pagdurusang dulot Mo?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 133 Susunod Ṭā Hā • Talata 135