Sabihin mo: “Bawat [isa] ay nag-aantabay [sa [pangyayarihin ni Allāh]; kaya mag-antabay kayo sapagkat makaaalam kayo kung sino ang mga kasamahan sa landasing matuwid at kung sino ang napatnubayan.” Ṭā Hā 20:135 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Bawat isa sa amin at sa inyo ay naghihintay ng anumang pangyayarihin ni Allāh; kaya maghintay kayo mismo sapagkat makaaalam kayo – nang walang pasubali – kung sino ang mga kasamahan ng daang tuwid at kung sino ang mga napatnubayan: kami o kayo?"