Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa bago pa niya ay talagang magsasabi sila: “Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa maaba kami at mapahiya kami?” (134)
Tafsīr
Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa mga tagapagpasinungaling na ito sa Propeta – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya – sa pamamagitan ng pagpapababa ng isang pagdurusa sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamatigas nila bago Kami magsugo sa kanila ng isang sugo at [bago] Kami magpababa sa kanila ng isang kasulatan ay talagang magsasabi sila sa Araw ng Pagbangon habang mga nagdadahilan sa kawalang-pananampalataya nila: "Bakit kaya hindi Ka nagsugo, Panginoon namin, sa amin ng isang sugo sa Mundo para sumampalataya kami sa kanya at sumunod kami sa inihatid niya na mga tanda Mo bago pa dumapo sa amin ang pagkahamak at ang pagkapahiya dahilan sa pagdurusang dulot Mo?"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: