Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Nagmagandang-loob sa iyo] noong pumunta ang babaing kapatid mo saka nagsabi: “Gagabay po kaya ako sa inyo sa mag-aaruga sa kanya?” Kaya nagpabalik Kami sa iyo sa ina mo upang guminhawa ang mata nito at hindi ito malungkot. Pumatay ka ng isang tao ngunit nagligtas Kami sa iyo mula sa dalamhati at sumubok Kami sa iyo ng isang pagsubok saka namalagi ka ng mga taon sa mga mamamayan ng Madyan. Pagkatapos dumating ka [rito] sa takdang [panahon], O Moises. (40)
Tafsīr
[Nagmagandang-loob sa iyo] noong lumabas ang babaing kapatid mo, na umuusad sa tuwing umuusad ang baul habang sumusunod doon. Saka nagsabi ito sa nakakuha sa kanya: "Gagabay po kaya ako sa inyo tungo sa mag-iingat sa kanya, magpapasuso sa kanya, at mag-aalaga sa kanya?" Kaya nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagpapabalik sa iyo sa ina mo upang sumaya siya sa pagbabalik mo sa kanya at hindi siya malungkot dahil sa iyo. Nakapatay ka ng koptiko na sinuntok mo ngunit nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagliligtas sa iyo mula sa kaparusahan. Nagligtas Kami sa iyo nang paulit-ulit sa bawat pagsubok na nakaharap mo. Nakalabas ka at namalagi ka ng mga taon sa mga mamayan ng Madyan. Pagkatapos pumunta ka [rito] sa oras na itinakda para sa iyo na pumunta ka rito para sa pakikipag-usap mo, O Moises.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: