Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya bumalik si Moises sa mga tao niya na galit na naghihinagpis. Nagsabi ito: “O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda? Kaya tumagal ba sa inyo ang panahon o nagnais kayo na may dumapo sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo kaya sumira kayo sa naipangako sa akin?” (86)
Tafsīr
Kaya nanumbalik si Moises sa mga tao niya habang galit dahil sa pagsamba nila sa guya, habang malungkot para sa kanila. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda, na magpababa Siya sa inyo ng Torah at magpapasok Siya sa inyo sa Paraiso? Kaya tumagal kaya sa inyo ang panahon kaya nakalimot kayo? O nagnais kayo sa gawain ninyong ito na may bumaba sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo at bumagsak sa inyo ang pagdurusang dulot Niya kaya dahil doon ay sumira kayo sa naipangako sa akin na katatagan sa pagtalima hanggang sa bumalik ako sa inyo?"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: