Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 86 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 86 sa 135 • Tagalog


فَرَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ أَلَمْ يَعِدْكُمْ رَبُّكُمْ وَعْدًا حَسَنًا ۚ أَفَطَالَ عَلَيْكُمُ الْعَهْدُ أَمْ أَرَدْتُمْ أَنْ يَحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبٌ مِنْ رَبِّكُمْ فَأَخْلَفْتُمْ مَوْعِدِي 86
Pagsasalin:
Kaya bumalik si Moises sa mga tao niya na galit na naghihinagpis. Nagsabi ito: “O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda? Kaya tumagal ba sa inyo ang panahon o nagnais kayo na may dumapo sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo kaya sumira kayo sa naipangako sa akin?” Ṭā Hā 20:86
Tafsīr:
Kaya nanumbalik si Moises sa mga tao niya habang galit dahil sa pagsamba nila sa guya, habang malungkot para sa kanila. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda, na magpababa Siya sa inyo ng Torah at magpapasok Siya sa inyo sa Paraiso? Kaya tumagal kaya sa inyo ang panahon kaya nakalimot kayo? O nagnais kayo sa gawain ninyong ito na may bumaba sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo at bumagsak sa inyo ang pagdurusang dulot Niya kaya dahil doon ay sumira kayo sa naipangako sa akin na katatagan sa pagtalima hanggang sa bumalik ako sa inyo?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 85 Susunod Ṭā Hā • Talata 87