Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 130)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 130

وَلَقَدْ أَخَذْنَا آلَ فِرْعَوْنَ بِالسِّنِينَ وَنَقْصٍ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ 130 ١٣٠

Talaga ngang dumaklot Kami sa angkan ni Paraon sa pamamagitan ng mga taon [ng tagtuyot] at kabawasan mula sa mga bunga, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. (130)

Tafsīr
Talaga ngang nagparusa si Allāh sa angkan ni Paraon sa pamamagitan ng tagtuyot at kawalang-ulan at sumubok Siya sa kanila sa pamamagitan ng kabawasan sa mga bunga ng lupa at mga ani nito, sa pag-asang magsaalaala sila at mapangangaralan sila na ang anumang dumating sa kanila mula roon ay parusa lamang sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila para magbalik-loob sila sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba