Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 3

حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةُ وَالدَّمُ وَلَحْمُ الْخِنْزِيرِ وَمَا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ وَالْمُنْخَنِقَةُ وَالْمَوْقُوذَةُ وَالْمُتَرَدِّيَةُ وَالنَّطِيحَةُ وَمَا أَكَلَ السَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيْتُمْ وَمَا ذُبِحَ عَلَى النُّصُبِ وَأَنْ تَسْتَقْسِمُوا بِالْأَزْلَامِ ۚ ذَٰلِكُمْ فِسْقٌ ۗ الْيَوْمَ يَئِسَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ دِينِكُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِ ۚ الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا ۚ فَمَنِ اضْطُرَّ فِي مَخْمَصَةٍ غَيْرَ مُتَجَانِفٍ لِإِثْمٍ ۙ فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 3 ٣

Ipinagbawal sa inyo ang namatay, ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay Allāh sa iba pa kay Allāh, ang nasakal, ang hinambalos, ang nalaglag, ang nasuwag, ang anumang kinainan ng mabangis na hayop maliban sa nakatay ninyo [bago namatay], ang inialay sa mga dambana, at na magsapalaran kayo sa pamamagitan ng mga tagdan. Iyon ay kasuwailan. Sa araw na ito ay nawalan ang mga tumangging sumampalataya ng pag-asa [na tatalikod kayo] sa Relihiyon ninyo, kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin. Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. Ngunit ang sinumang napilitan [kumain ng bawal] dahil sa kagutuman, nang hindi nagkakahilig sa pagkakasala, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.ang namatay, ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay Allāh (3)

Tafsīr
Nagbawal si Allāh sa inyo ng anumang namatay na hayop nang walang pagkatay. Nagbawal Siya ng dugong nabubo, laman ng baboy, anumang binanggit dito ang pangalang iba sa pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkatay, namatay dahil sa sakal, namatay dahil sa pagkapalo, namatay dahil sa pagkahulog mula sa isang mataas na lugar, namatay dahil sa pagsuwag ng ibang hayop, at anumang sinila ng mabangis na hayop tulad ng leyon, tigre, at lobo, maliban sa naabutan ninyo nang buhay pa mula sa mga nabanggit at nakatay ninyo sapagkat ito ay ipinahihintulot sa inyo. Nagbawal Siya sa inyo ng anumang ang pag-aalay rito ay para sa mga anito. Nagbawal Siya sa inyo na maghanap kayo ng ibinahagi para sa inyo kabilang sa nakalingid sa pamamagitan ng [pagpapahula sa] tagdan: isang bato o isang palasong nasusulatan ng "gawin mo" o "huwag mong gawin" para magsagawa ng anumang lumabas mula sa mga ito. Ang paggawa ng mga ipinagbabawal na nabanggit na iyon ay isang paglabas sa pagtalima kay Allāh. Sa araw na ito ay nawalan ang mga tumangging sumampalataya ng pag-asa sa pagtalikod ninyo sa Relihiyong Islām dahil sa nakita nila na lakas nito. Kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin lamang. Sa araw na ito lumubos Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo na siyang ang Islām, bumuo Ako sa inyo ng biyaya Kong nakalitaw at nakakubli, at pumili Ako para sa inyo ng Islām bilang relihiyon kaya hindi Ako tatanggap ng isang relihiyong iba pa rito. Ngunit ang sinumang napilitan, dahilan sa isang kagutuman, sa pagkain mula sa namatay nang hindi kumikiling sa kasalanan ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba