Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago pa niyan: “O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito. Tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin [sa pagsamba sa Kanya nang mag-isa] at tumalima kayo sa utos ko.” (90)
Tafsīr
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago ng pagbabalik ni Moises sa kanila: "Walang [layon] sa pagbuo ng guya mula sa ginto at pag-unga nito kundi isang pagsubok para sa inyo upang malantad ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya. Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay ang nakapagdudulot ng awa, hindi ang sinumang hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang pakinabang, huwag nang sabihin na maawa sa inyo. Kaya sumunod kayo sa akin sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya – at tumalima kayo sa utos ko sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: