Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 28

يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يَشْفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ارْتَضَىٰ وَهُمْ مِنْ خَشْيَتِهِ مُشْفِقُونَ 28 ٢٨

Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag. (28)

Tafsīr
Nakaaalam Siya sa nauuna sa mga gawain nila at sa kasunod sa mga ito. Hindi sila humihiling ng Pamamagitan malibang ayon sa pahintulot Niya para sa sinumang kinalugdan Niya ang pamamagitan para roon. Sila dahil sa pangamba sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ay mga nangingilag, kaya hindi sila sumasalungat sa Kanya sa isang utos ni isang saway.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba