Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 35)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 35

كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۗ وَنَبْلُوكُمْ بِالشَّرِّ وَالْخَيْرِ فِتْنَةً ۖ وَإِلَيْنَا تُرْجَعُونَ 35 ٣٥

Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso. Tungo sa Amin pababalikin kayo. (35)

Tafsīr
Bawat kaluluwang mananampalataya o tagatangging sumampalataya ay lalasap ng kamatayan sa Mundo. Susubok Kami sa inyo, O mga tao, sa buhay na pangmundo sa pamamagitan ng mga pag-aatang ng tungkulin, mga biyaya, at mga kamalasan. Pagkatapos, matapos ng kamatayan ninyo ay tungo sa Amin – hindi tungo sa iba pa sa Amin – pababalikin kayo para gumanti Kami sa inyo sa mga gawa ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba