Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 37

خُلِقَ الْإِنْسَانُ مِنْ عَجَلٍ ۚ سَأُرِيكُمْ آيَاتِي فَلَا تَسْتَعْجِلُونِ 37 ٣٧

Nilikha ang tao mula sa isang [kalikasan ng] pagmamadali. Magpapakita Ako sa inyo ng mga tanda Ko kaya huwag kayong magmadali [ng mga ito] sa Akin. (37)

Tafsīr
Isinakalikasan ang tao sa pagmamadali kaya siya ay nagmamadali sa mga pangyayari bago ng pagkaganap ng mga ito. Kabilang doon ang pagmamadali ng mga tagapagtambal para sa pagdurusa. Magpapakita Ako sa inyo, O mga tagapagmadali sa pagdudulot Ko ng pagdurusa, ng minadali ninyo kaya huwag kayong humiling ng madaliin iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba