Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 41)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 41

وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِنْ قَبْلِكَ فَحَاقَ بِالَّذِينَ سَخِرُوا مِنْهُمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ 41 ٤١

Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa, kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya. (41)

Tafsīr
Talagang kung nanuya sa iyo ang mga kababayan mo, ikaw ay hindi kauna-unahan doon sapagkat nangutya na sa mga sugo bago mo pa, O Sugo, kaya pumaligid sa mga tagatangging sumampalataya na dating nanuya sa kanila ang pagdurusang dati nilang kinukutya sa Mundo kapag nagpapangamba sa kanila niyon ang mga sugo nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba