Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa, kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya. Al-Anbiyā’ 21:41 ⧉
Tafsīr:
Talagang kung nanuya sa iyo ang mga kababayan mo, ikaw ay hindi kauna-unahan doon sapagkat nangutya na sa mga sugo bago mo pa, O Sugo, kaya pumaligid sa mga tagatangging sumampalataya na dating nanuya sa kanila ang pagdurusang dati nilang kinukutya sa Mundo kapag nagpapangamba sa kanila niyon ang mga sugo nila.