Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 42 sa 112 • Tagalog


قُلْ مَنْ يَكْلَؤُكُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ مِنَ الرَّحْمَٰنِ ۗ بَلْ هُمْ عَنْ ذِكْرِ رَبِّهِمْ مُعْرِضُونَ 42
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Sino ang kakandili sa inyo sa gabi at maghapon laban sa [pagdurusang dulot ng] Napakamaawain?” Bagkus sila, sa pag-aalaala sa Panginoon nila, ay mga tagaayaw. Al-Anbiyā’ 21:42
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmadaling ito sa pagdurusa: "Sino ang mangangalaga sa inyo sa gabi at maghapon laban sa anumang ninanais sa inyo ng Napakamaawain na pagpapababa ng pagdurusa at kapahamakan sa inyo?" Bagkus sila, sa pag-aalaala sa mga pangaral ng Panginoon nila at mga katwiran Niya, ay mga tagaayaw. Hindi sila nagbubulay-bulay ng anuman mula sa mga ito dala ng kamangmangan at kahunghangan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 41 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 43