Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 5

بَلْ قَالُوا أَضْغَاثُ أَحْلَامٍ بَلِ افْتَرَاهُ بَلْ هُوَ شَاعِرٌ فَلْيَأْتِنَا بِآيَةٍ كَمَا أُرْسِلَ الْأَوَّلُونَ 5 ٥

Bagkus nagsabi sila: “Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito]; bagkus ginawa-gawa niya ito; bagkus siya ay isang manunula. Kaya magdala siya sa atin ng isang tanda kung paanong isinugo ang mga sinauna.” (5)

Tafsīr
Bagkus nag-atubili sila sa pumapatungkol sa ihinatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Kaya minsan, nagsabi sila: "Mga maling panaginip na nagkahalu-halo, na walang pagpapakahulugan para sa mga ito." Nagsabi naman sila minsan: "Hindi; bagkus lumikha-likha siya nito, na hindi ito nagkaroon ng pinagmulan." Nagsabi pa sila minsan: "Siya ay isang manunula. Kung siya ay naging tapat sa pag-aangkin niya, maghatid siya sa atin ng isang himalang tulad ng sa mga sinauna kabilang mga sugo sapagkat naghatid nga sila ng mga himala, tulad ng tungkod ni Moises at dumalagang kamelyo ni Ṣāliḥ."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba