Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 5 sa 112 • Tagalog


بَلْ قَالُوا أَضْغَاثُ أَحْلَامٍ بَلِ افْتَرَاهُ بَلْ هُوَ شَاعِرٌ فَلْيَأْتِنَا بِآيَةٍ كَمَا أُرْسِلَ الْأَوَّلُونَ 5
Pagsasalin:
Bagkus nagsabi sila: “Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito]; bagkus ginawa-gawa niya ito; bagkus siya ay isang manunula. Kaya magdala siya sa atin ng isang tanda kung paanong isinugo ang mga sinauna.” Al-Anbiyā’ 21:5
Tafsīr:
Bagkus nag-atubili sila sa pumapatungkol sa ihinatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Kaya minsan, nagsabi sila: "Mga maling panaginip na nagkahalu-halo, na walang pagpapakahulugan para sa mga ito." Nagsabi naman sila minsan: "Hindi; bagkus lumikha-likha siya nito, na hindi ito nagkaroon ng pinagmulan." Nagsabi pa sila minsan: "Siya ay isang manunula. Kung siya ay naging tapat sa pag-aangkin niya, maghatid siya sa atin ng isang himalang tulad ng sa mga sinauna kabilang mga sugo sapagkat naghatid nga sila ng mga himala, tulad ng tungkod ni Moises at dumalagang kamelyo ni Ṣāliḥ."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 4 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 6