Hindi sumampalataya bago nila ang isang pamayanan na ipinahamak Namin. Kaya sila ba ay sasampalataya? Al-Anbiyā’ 21:6 ⧉
Tafsīr:
Walang sumampalataya bago ng mga tagamungkahing ito na isang pamayanang nagmungkahi ng pagbaba ng mga tanda kaya nabigyan ang mga iyan ng mga iyon gaya ng iminungkahi ng mga iyan; bagkus nagpasinungaling ang mga iyan sa mga iyon kaya nagpahamak Kami sa mga iyan. Kaya sasampalataya ba ang mga ito?