Hindi Kami nagsugo bago mo kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam. Al-Anbiyā’ 21:7 ⧉
Tafsīr:
Hindi Kami nagpadala bago mo, O Sugo, kundi ng mga lalaking kabilang sa mga tao na nagkakasi Kami sa kanila. Hindi Kami nagpadala sa kanila bilang mga anghel. Kaya magtanong kayo sa mga may kasulatan bago pa ninyo kung kayo ay hindi nakaaalam niyon.