Surah Al-Mumtaḥanah (Ang Susubukin — الممتحنة) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




60 Al-Mumtaḥanah(الممتحنة), Talata 11

وَإِنْ فَاتَكُمْ شَيْءٌ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ إِلَى الْكُفَّارِ فَعَاقَبْتُمْ فَآتُوا الَّذِينَ ذَهَبَتْ أَزْوَاجُهُمْ مِثْلَ مَا أَنْفَقُوا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي أَنْتُمْ بِهِ مُؤْمِنُونَ 11 ١١

Kung may nakaalpas sa inyo na sinuman mula sa mga maybahay ninyo patungo sa mga tagatangging sumampalataya at nakasamsam kayo [sa digmaan], magbigay kayo sa mga inalisan ng mga maybahay nila ng tulad ng ginugol nila [na bigay-kaya]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya. (11)

Tafsīr
Kung ipinagpalagay ang paglisan ng ilan sa mga maybahay ninyo bilang mga tumalikod sa Islām patungo sa mga tagatangging sumampalataya at hiniling ninyo ang [ibinigay na] mga bigay-kaya mula sa mga tagatangging sumampalataya at hindi naman nila ibinigay ang mga ito saka nakasamsam kayo mula sa mga tagatangging sumampalataya, bigyan ninyo mga asawang lumisan ang mga maybahay nila bilang mga tumalikod sa Islām, ng tulad ng ipinagkaloob nila na mga bigay-kaya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba