Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mumtaḥanah — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mumtaḥanah • Talata 11 sa 13 • Tagalog


وَإِنْ فَاتَكُمْ شَيْءٌ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ إِلَى الْكُفَّارِ فَعَاقَبْتُمْ فَآتُوا الَّذِينَ ذَهَبَتْ أَزْوَاجُهُمْ مِثْلَ مَا أَنْفَقُوا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي أَنْتُمْ بِهِ مُؤْمِنُونَ 11
Pagsasalin:
Kung may nakaalpas sa inyo na sinuman mula sa mga maybahay ninyo patungo sa mga tagatangging sumampalataya at nakasamsam kayo [sa digmaan], magbigay kayo sa mga inalisan ng mga maybahay nila ng tulad ng ginugol nila [na bigay-kaya]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya. Al-Mumtaḥanah 60:11
Tafsīr:
Kung ipinagpalagay ang paglisan ng ilan sa mga maybahay ninyo bilang mga tumalikod sa Islām patungo sa mga tagatangging sumampalataya at hiniling ninyo ang [ibinigay na] mga bigay-kaya mula sa mga tagatangging sumampalataya at hindi naman nila ibinigay ang mga ito saka nakasamsam kayo mula sa mga tagatangging sumampalataya, bigyan ninyo mga asawang lumisan ang mga maybahay nila bilang mga tumalikod sa Islām, ng tulad ng ipinagkaloob nila na mga bigay-kaya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mumtaḥanah • Talata 10 Susunod Al-Mumtaḥanah • Talata 12