Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mumtaḥanah — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mumtaḥanah • Talata 12 sa 13 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِذَا جَاءَكَ الْمُؤْمِنَاتُ يُبَايِعْنَكَ عَلَىٰ أَنْ لَا يُشْرِكْنَ بِاللَّهِ شَيْئًا وَلَا يَسْرِقْنَ وَلَا يَزْنِينَ وَلَا يَقْتُلْنَ أَوْلَادَهُنَّ وَلَا يَأْتِينَ بِبُهْتَانٍ يَفْتَرِينَهُ بَيْنَ أَيْدِيهِنَّ وَأَرْجُلِهِنَّ وَلَا يَعْصِينَكَ فِي مَعْرُوفٍ ۙ فَبَايِعْهُنَّ وَاسْتَغْفِرْ لَهُنَّ اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 12
Pagsasalin:
O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga babaing mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila, hindi sila magdadala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Mumtaḥanah 60:12
Tafsīr:
O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga kababaihang mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo – tulad ng nangyari sa pagsakop sa Makkah – na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman bagkus sasamba sila sa Kanya lamang, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila bilang pagsunod sa kaugalian ng mga kampon ng Kamangmangan, hindi sila mag-uugnay sa mga asawa nila ng mga anak nila mula sa pangangalunya, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti kabilang sa tulad ng pagsaway laban sa pananaghoy, pag-aahit ng buhok, at pagpunit ng damit [sa sandali ng dalamhati] ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humiling ka para sa kanila ng tawad mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila matapos ng pagpapahayag ng katapatan nila sa iyo. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mumtaḥanah • Talata 11 Susunod Al-Mumtaḥanah • Talata 13