Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 78)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 78

وَدَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ إِذْ يَحْكُمَانِ فِي الْحَرْثِ إِذْ نَفَشَتْ فِيهِ غَنَمُ الْقَوْمِ وَكُنَّا لِحُكْمِهِمْ شَاهِدِينَ 78 ٧٨

[Banggitin] sina David at Solomon noong humahatol silang dalawa kaugnay sa sakahan noong naglipana roon ang mga tupa ng mga tao [sa gabi] at laging Kami para sa paghahatol nila ay tagasaksi. (78)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan nina David at ng anak niyang si Solomon – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – noong humahatol silang dalawa sa kasong isinampa sa kanilang dalawa na may pumapatungkol sa magkaalitan na ang isa sa kanilang dalawa ay may mga tupang kumalat isang gabi sa taniman ng isa pa at sinira ng mga ito iyon. Laging Kami para sa paghahatol nina David at Solomon ay tagasaksi; walang anumang nalingid sa Amin mula sa kahatulan nilang dalawa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba