[Banggitin] sina David at Solomon noong humahatol silang dalawa kaugnay sa sakahan noong naglipana roon ang mga tupa ng mga tao [sa gabi] at laging Kami para sa paghahatol nila ay tagasaksi. Al-Anbiyā’ 21:78 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan nina David at ng anak niyang si Solomon – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – noong humahatol silang dalawa sa kasong isinampa sa kanilang dalawa na may pumapatungkol sa magkaalitan na ang isa sa kanilang dalawa ay may mga tupang kumalat isang gabi sa taniman ng isa pa at sinira ng mga ito iyon. Laging Kami para sa paghahatol nina David at Solomon ay tagasaksi; walang anumang nalingid sa Amin mula sa kahatulan nilang dalawa.