Nagpaintindi Kami nito kay Solomon. Sa bawat isa ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman. Pinagsilbi Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati, at ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa [niyon]. Al-Anbiyā’ 21:79 ⧉
Tafsīr:
Nagpaintindi Kami ng kaso kay Solomon bukod pa sa ama niyang si David. Sa bawat isa kina David at Soloman ay nagbigay Kami ng pagkapropeta at kaalaman sa mga kahatulan ng Batas. Hindi Kami nagtangi rito kay Solomon lamang. Pinatalima Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati kasabay ng pagluluwalhati niya, at pinatalima Namin para sa kanya ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa ng pagpapaintinding iyon at ng pagbibigay ng kahatulan, kaalaman, at pagpapasilbi.