Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 79)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 79

فَفَهَّمْنَاهَا سُلَيْمَانَ ۚ وَكُلًّا آتَيْنَا حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَسَخَّرْنَا مَعَ دَاوُودَ الْجِبَالَ يُسَبِّحْنَ وَالطَّيْرَ ۚ وَكُنَّا فَاعِلِينَ 79 ٧٩

Nagpaintindi Kami nito kay Solomon. Sa bawat isa ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman. Pinagsilbi Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati, at ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa [niyon]. (79)

Tafsīr
Nagpaintindi Kami ng kaso kay Solomon bukod pa sa ama niyang si David. Sa bawat isa kina David at Soloman ay nagbigay Kami ng pagkapropeta at kaalaman sa mga kahatulan ng Batas. Hindi Kami nagtangi rito kay Solomon lamang. Pinatalima Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati kasabay ng pagluluwalhati niya, at pinatalima Namin para sa kanya ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa ng pagpapaintinding iyon at ng pagbibigay ng kahatulan, kaalaman, at pagpapasilbi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba