Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 87)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 87

وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَىٰ فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ إِنِّي كُنْتُ مِنَ الظَّالِمِينَ 87 ٨٧

[Banggitin]mo si Jonas] na may isda noong umalis siya habang may kinagagalitan saka nagpalagay siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: “Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.” (87)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ng Kasama ng Isda na si Jonas – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong umalis siya nang walang pahintulot mula sa Panginoon niya habang kinagagalitan ang mga kababayan niya dahil sa paggigiit nila sa pagsuway, saka nagpalagay siya na hindi Kami makagigipit sa kanya sa pamamagitan ng pagparusa sa kanya sa pag-alis niya. Kaya sinubok siya sa pamamagitan ng katindihan ng panggigipit at pagkulong nang nilunok siya ng isda. Kaya dumalangin siya sa loob ng mga kadiliman ng tiyan ng isda, dagat, at gabi habang umaamin ng pagkakasala niya habang nagbabalik-loob kay Allāh mula roon, sapagkat nagsabi siya: "Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Iyo. Nagpawalang-kaugnayan Ka sa kapintasan at nagpakabanal Ka! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba