Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 91)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 91

وَالَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهَا مِنْ رُوحِنَا وَجَعَلْنَاهَا وَابْنَهَا آيَةً لِلْعَالَمِينَ 91 ٩١

[Banggitin]mo si Maria] ang [babaing] nag-ingat sa kalinisang-puri niya kaya umihip Kami sa kanya mula sa Espiritu Namin at gumawa Kami sa kanya at anak niya bilang tanda para sa mga nilalang. (91)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na nangalaga sa kalinisang-puri niya laban sa pangangalunya kaya nagsugo si Allāh sa kanya kay Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka umihip ito sa kanya kaya nagbuntis siya kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Si Maria at ang anak niyang si Jesus noon ay palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh, at na Siya ay hindi napawawalang-kakayahan ng anuman yayamang lumikha Siya kay Jesus nang walang ama.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba