Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeano, ang mga Kristiyano, ang mga Mago, at ang mga nagtambal [kay Allāh], tunay na si Allāh ay magbubukod sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi. (17)
Tafsīr
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh kabilang sa Kalipunang ito, ang mga Hudyo, ang mga Sabeano (isang pangkatin kabilang sa mga tagasunod ng ilan sa mga propeta), ang mga Kristiyano, ang mga tagasamba ng apoy, at ang mga tagasamba ng mga diyus-diyusan, tunay na si Allāh ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon para pumasok ang mga mananampalataya sa Paraiso at pumasok ang mga iba pa sa kanila sa Apoy. Tunay na si Allāh sa bawat anuman sa mga sinabi ng mga lingkod Niya at mga ginawa nila ay Saksi: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: